^

PSN Palaro

5th spot kinapitan ng Lady Chiefs

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Kumapit sa pang-li­mang puwesto sa team stan­dings ang Arellano Uni­versity matapos pagpagin ang San Sebastian College-Recoletos, 31-29, 25-12, 25-18, sa NCAA Season 100 women’s vol­leyball tournament kaha­pon sa UPHSD Gym.

Bumida sa opensa ng Lady Chiefs si Laika Tud­la­san na nagtala ng 17 points mula sa 15 attacks, isang block at isang service para ilista ang 5-3 baraha kagaya ng Lady Stags.

Maliban kay Tudlasan, uminit din ang opensa nina Marianne Lei Angelique Pa­dillon at Pauline De Guz­man upang madali ni­lang tuhugin ang panalo at tapusin ang laro sa loob ng isang oras at 12 minuto.

Kumana si Padillon ng 12 points at tumipa si De Guzman ng 11 markers para sa Arellano.

Namuno sa San Se­bas­tian sina Katherine Santos at Christine Marasigan na naglista ng tig-siyam na puntos.

Samantala, tinalo ng Ly­ceum Lady Pirates ang San Beda Lady Red Spi­kers, 25-23, 25-14, 21-25, 25-20.

NCAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with