ABS-CBN Ball 2025, Brighter together ang tema

Inaabangan na ang star-studded ABS-CBN Ball 2025, na binansagang Brighter Together sa Abril 4, kung saan magbibigay-pugay sa mga kwentong sumasalamin sa buhay at pangarap ng mga Pilipino, at nagbibigay ligaya, pag-asa, at inspirasyon sa mga manonood saan man sa mundo.
Maliban sa Kapamilya stars na nagbibigay buhay sa bawat kwento, ang ABS-CBN Ball din ay isang tribute sa mga empleyado at creatives sa likod ng mga kwentong Pilipino, at sa industry partners gaya ng TV networks, digital platforms, at advertisers na tumutulong dalhin ang mga kwentong “gawang atin” sa mas maraming manonood sa buong mundo.
Magniningning din ang pagtutulungan dahil bahagi ng kikitain sa event ay mapupunta sa mga proyekto ng ABS-CBN Foundation.
- Latest