^

PSN Palaro

Pusoy

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Kasado na ang entry ng Starhorse Shipping Lines sa PBA.

Ika nga, isang bulate na lang ang dehins pumipirma at pormal nang mabibili ng Starhorse ang Terrafirma franchise.

No problem sa PBA board ang entry ng Starhorse dahil wala naman itong direct competitor sa mga PBA teams.

Kaya sa pagpasok ng 50th season ng PBA sa October, may bagong team na tayong makikita.

All-in ang bentahan na dehins bababa sa P100 million.

Kung may advance deposit na kailangan sa PBA, ‘yung parang lumipat ka sa bagong apartment, malalaman natin.

Ang deal eh, itutuloy ng Starhorse ang patakbo ng franchise, meaning from the players, coaches at utility, absorbed nila at honored ang existing contracts.

Pero up to Starhorse management ‘yan na once mag-expire ang contract ng players or coaches, puwe­de nila palitan. Puwede rin namang buy-out.

Kunwari, may six months pa ang contract mo pero dehins ka type ng management, babayaran ka na ng six months kahit wala ka na sa team.

Sa ngayon, nandun sila Terrence Romeo, Stanley Pringle, Kevin Ferrer sa team. May Nonoy, Gorospe, Melecio, Saldivar at Paraiso.

Kumbaga sa pusoy, ‘yan ang baraha ng Starhorse.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->