PLDT ‘di bibitaw sa No. 4 seat
MANILA, Philippines — Kakapit ang PLDT Home Fibr sa No. 4 spot sa pagtiklop ng elimination round ng 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.
Lalabanan ng High Speed Hitters ang ZUS Coffee Thunderbelles ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang banggaan ng Choco Mucho Flying Titans at Chery Tiggo Crossovers sa alas-6:30 ng gabi sa City of Passi Arena sa Iloilo.
Inangkin ng nagdedepensang Creamline ang No. 1 spot sa knockout phase tangan ang 10-1 baraha sa itaas ng Petro Gazz (10-1), Cignal HD (8-3), PLDT (7-3), Choco Mucho (7-3), Farm Fresh (5-6), Akari (5-6), Chery Tiggo (5-5), ZUS Coffee (4-6), Galeries Tower (1-10), Capital1 Solar Enery (1-10) at Nxled (1-10).
Nagmula ang High Speed Hitters sa five-set win sa Cool Smashers na tumapos sa 19-game winning streak nito.
“Siguro ‘yung tulong nitong panalo, mayroon na kaming baon na nakapag-perform kami sa big games,” sabi ni coach Rald Ricafort.
Hangad ng Thunderbelles na makabangon sa kamalasan.
- Latest