Pikon talo
Walkout. Boycott. No show.
All of the above. ‘Yan ang ginawa ng Strong Group Athletics, ang representative ng Pinas sa 34th Dubai International Basketball Championship.
Dehins sila sumipot sa bronze medal match laban sa national team ng United Arab Emirates kahapon.
Matapos ang apat na panalo ng SGA team na dala sila former NBA players DeMarcus Cousins at Chris McCullough, Andray Blatche, Mikey Williams, Rhenz Abando at Dave Ildefonso, natalo sila sa semis sa national team ng Tunisia, 68-63, last Sunday.
Natalo ang Tunisia sa Beirut sa final kahapon.
Dikit ang last game ng SGA na humabol mula sa 16 points at muntik pang manalo. Pero inalat na din sa dulo.
Doon nag-decide ang management na mag-withdraw sa tournament. Niluto daw ang officiating. Dehins lang daw one game. Kaya in a sign of protest, dehins nila sinipot ang game para sa bronze.
Of course, masakit ang talo para sa SGA na last year ay muntikan na mag-champion. Pero hindi boycott ang tamang paraan. Ang dapat ginawa nila ay nilaro ang bronze-medal game and then tsaka nila i-raise ang concern nila sa officiating.
Mas maganda na sana kung ipinanalo mo muna ang bronze medal.
Hindi ‘yung walkout at umangal ka lang sa officiating ‘nung natalo.
Ma-invite pa kaya ulit ang SGA sa Dubai next year?
- Latest