GDL brothers lalaro sa Baste
MANILA, Philippines — Nagpalakas ng lineup ang San Sebastian-Recoletos matapos makuha ang Gomez de Liano brothers na sina Jordi at Jaime para sa mga susunod na seasons ng NCAA men’s basketball tournament.
Mainit na tinanggap ang GDL brothers ng team management sa pangunguna nina Jax Chua, Eds Chua, Bernard Yang at coach Rob Labagala.
Ayon kay Yang, malaki ang maitutulong ng GDL brothers upang mapalakas ang kampanya nito sa nakatakdang pagbubukas ng NCAA.
Parehong may taas na 6-foot-5 ang GDL brothers na inaasahang dodomina sa shaded area kontra sa malalakas na koponan kagaya ng reigning champion Mapua University, San Beda University, Colegio de San Juan de Letran, University of Perpetual at Lyceum of the Philippines.
Nauna nang nakuha ng San Sebastian si guard Jevy Ponce Hinoguin para makasama ng Stags.
Umaasa ang San Sebastian management na makakakuha pa ito ng mga blue chip players.
- Latest