^

PSN Palaro

Gilas training camp sisimulan na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Gilas training camp sisimulan na
Kai Sotto

MANILA, Philippines — Magsisimula na ang training camp ng Gilas Pilipinas bilang paghahanda para sa FIBA Asia Cup Qualifiers na gaganapin sa Nobyembre 21 at 24 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Aarangkada ang pukpukang ensayo ng Pinoy cagers sa Biyernes sa Ins­pire Sports Academy sa Calamba, Laguna.

Inaasahang darating ngayong linggo sina Kai Sotto at AJ Edu na kumpirmado nang lalaro sa qualifiers kung saan makakalaban ng Gilas ang New Zealand sa Nobyembre 21 at Hong Kong sa Nobyembre 24.

Manggagaling sina Sotto at Edu sa Japan kung  saan pareho itong nag­lalaro sa Japan B.League.

Hindi nakapaglaro si Sotto sa laban ng Ko­shi­gaya Alphas kontra sa Yokohama B-Corsairs dahil sa minor injury kung saan natalo ang kanilang tropa sa iskor na 87-63.

Matikas ang inilalaro ni Sotto sa Japan B.League hawak ang averages na 12.1 points, 9.2 rebounds, 1.8 assists at 1.3 blocks.

Ito na naman ang u­nang pagkakataon na muling masisilayan si Edu suot ang Gilas jersey matapos mabigong makapaglaro sa first window noong Pebrero dahil sa iniindang injury.

Maganda rin ang rekord ni Edu sa Japan B.League kasama ang Nagasaki Velcas kung saan bitbit nito ang averages na 6.6 points, 6.5 rebounds at 1.8 blocks.

Nasa Japan B.League din si Dwight Ramos na bahagi rin ng Gilas pool.

Inaasahang mabubuo ang Gilas squad sa ensayo kasama ang mga iba pang players partikular na ang mga naglaro sa katatapos na PBA Govenors’ Cup.

Kabilang na rito si naturalized player Justin Brownlee na magpapahinga muna bago muling sumabak sa training camp.

Wala pang kumpirmas­yon kung makalalaro si La Salle standout Kevin Quiambao na naglalaro sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with