^

PSN Palaro

Lady Spikers dikit na sa bonus sa SSL volley

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Lumapit ang De La Salle University sa asam na quarterfinals twice-to-beat advantage matapos nilang ibagsak ang University of the East, 23-25, 26-24, 25-20, 25-16, sa Pool E ng 2024 Shakey’s Super League Collegiate Pre-season Championship na nilaro sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Matapos matisod sa unang set, nagsanib puwersa ang unbeaten Lady Spikers para harurutin ang tatlong natitirang sets at ilista ang pangalawang panalo sa second round at ika-5 sa tournament overall.

Lumiyab ang opensa ni Shevana Laput para sa Taft-based squad matapos itarak ang game-high 20 points mula sa 18 kills at dalawang blocks.

“Very happy that we won. We’re glad we won two games. We’re just very happy with our game,” ani 2023 National Invitationals MVP na si Laput.

Bumakas si Angel Ca­nino ng 17 markers habang tumipa sina Alleiah Malaluan at Amie Provido ng 12 at siyam na puntos, ayon sa pagkakasunod sa tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water.

Unang tinalo ng Lady Spikers sa second round robin ang defending champion National University sa apat na sets sa huling laro.

Pakay ng La Salle na ikadena ang pangatlong sunod na panalo sa pagharap nila sa College of Saint Benilde upang masungkit ang inaasam na incentives. .

Sa kabila ng 19 points ni Casiey Dongallo at 11 markers ni Jelai Gajero ay nalasap pa rin ng Lady Warriors ang unang talo sa dalawang salang.

Sa unang laro, ipinalasap  ng Far Eastern University ang unang kabiguan ng Universityof Santo Tomas, 25-21, 25-23, 25-23.

Umiskor si Jean Asis ng 12 points upang tulu­ngan ang FEU na suwagin ang mabangis na Golden Tigresses.

UE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with