^

PSN Palaro

Semis kasado na sa Flying Titans

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Semis kasado na sa Flying Titans
Hinatawan ni Sisi Rondina ng Choco Mucho si Majoy Baron ng PLDT.
PVL photo

MANILA, Philippines — Isang krusyal na desis­yon ang ginawa ni Choco Mucho coach Dante Alinsunurin nang magtabla sa 13-13 ang deciding fifth set nila ng PLDT.

Mula sa pagiging setter ay ginawa ni Alinsunurin na opposite spiker si Mars Alba habang tumayong setter si Deanna Wong.

“Actually, hindi ko ine-expect na gagawin akong spiker ni coach Dante. Pero iyon, sabi ko kahit anong ibigay na bola gagawan ko ng paraan para makatulong sa team,” ani Alba.

Ang hataw ni Alba kasunod ang atake ni Sisi Rondina ang sumelyo sa 25-15, 12-25, 25-23, 21-25, 15-13 pagsibak ng F­lying Titans sa High Speed Hitters sa Game Two ng 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference quarterfinals series kahapon sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Humataw si Rondina ng 21 points mula sa 18 attacks, dalawang service ace at isang block at tumapos si Alba na may 22 excellent sets bukod sa pitong puntos sa two-game sweep ng Choco Mucho sa PLDT sa kanilang best-of-three duel papasok sa semifinals na hahataw sa Marso 29.

“Sobrang proud ako sa team namin kasi lahat kayang mag-adjust kahit anong posisyon man iyan. Hanggat kayang mag-contribute, tatrabaho talaga,” sabi ni Rondina.

Ang semis ay isang round-robin format kung saan ang top two teams ang magtutuos sa best-of-three championship series.

Nabalewala ang kina­big na 34 points ni Fil-Canadian Savi Davison para sa High Speed Hitters na tinalo rin ng Flying Titans sa Game One, 20-25, 19-25, 25-15, 25-20, 18-16.

Nag-agawan ng set ang dalawang tropa para magtabla sa fourth frame, 2-2, patungo sa fifth set kung saan humataw si Davison ng solong 4-0 atake para sa PLDT.

Napasakamay ng Choco Mucho ang 7-5 abante hanggang magtabla sa 13-13.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with