^

PSN Palaro

Tigresses nakaiwas sa Blue Eagles sa SSL volley

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinalo agad ng University of Santo Tomas ang unang panalo sa second round matapos kalusin ang  Ateneo de Manila University, 25-11, 25-20, 25-17 sa 2024 Shakey’s Super League (SSL) Collegiate Pre-season Championship na nilaro sa Rizal Memorial Coliseum kahapon.

Maganda ang pagbibi­gay ng bola ni setter Cassie Carballo sa mga kakam­ping hitters upang magaan na sikwatin ang panalo sa unang laro ng Golden Tigresses sa Pool F.

Sinandalan ng España-based squad ang magandang che­mistry sa team kung saan nag-ambag ng puntos ang 12 Tigresses na pumalo ng bola.

“Sobrang laking factor for us ‘yung relationship namin outside the court. Nagsisimula ‘yun sa relationship namin outside the court and nadadala namin ‘yun sa loob. Kanina, naglaro lang kami ng buo,” ani Carballo, na nagtala ng tatlong puntos at 13 excellent sets.

Pinamunuan ni Angge Poyos ang opensa para sa Golden Tigresses sa tinikadang 17 markers lahat galing sa attacks sa tournament na suportado ng Shakey’s Pizza Parlor, GCash, Chery Tiggo, F2 Logistics, Peri-Peri Charcoal Chicken, Potato Corner, R and B Milk Tea at Summit Water.

Bumakas si Jonna Perdido ng siyam na puntos, walo ang kinana ni Regina Jurado habang pito ang kay Marga Altea para sa UST.

Naghabol ng tatlong puntos ang Golden Tigresses, 3-6, sa  third frame, pero pumalo sila ng 11-4 run para makuha ang bentahe, 14-10.

Sa ikalawang laro, tinakasan ng University of the East ang College of Saint Benilde, 25-19,25-18, 25-23 upang iposte ang unang panalo sa Pool E match.

SSL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with