^

PSN Palaro

Jarman naghahanda na para sa 2028 LA Olympics

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Habang kaliwa’t kanan pa ang mga aktibidad ni Carlos Yulo matapos makasungkit ng dalawang gintong medalya sa Paris Olympics, nagsisimula na ang mga karibal nito sa paghahanda para sa 2028 LA Olympics.

Isa na rito si Filipino-British Jake Jarman na simula na agad sa ensayo upang mahasa ang mga routines nito.

Nagkasya lamang si Jarman sa tansong me­dalya sa 2024 Paris Olympics men’s floor exercise na pinagha­rian ni Yulo.

Kaya naman nais ni Jarman na maagang magsimula sa paghahanda para maging pulido ang performance nito bago dumating ang 2028 Games.

Sa kanyang post sa social media, ipinakita ni Jarman ang training nito kabilang na ang kanyang mga ginagawa para sa floor exercise.

Naglagay pa ito ng caption na “ready for the next Olympics.”

Isa sa hinahasa ni Jarman ang perpektong lan­ding.

Target sana ni Gymnastics Association of the Philippines (GAP) president Cynthia Carrion na makuha si Jarman upang maging bahagi ng men’s national team para sa 2028 LA Olympics.

Subalit nilinaw ni Jarman sa isang panayam na malabo pa itong matupad sa LA Olympics dahil ang Great Britain pa rin ang irerepresenta nito.

vuukle comment

OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with