^

PSN Palaro

Yulo inspirasyon ng mga Kabataan

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Yulo inspirasyon ng mga Kabataan
The Philippines' Carlos Yulo, Paris 2024 Olympic Games double gold medalist in gymnastics, waves from a float during a celebratory homecoming parade along a street in Manila on August 14, 2024.
Jam Sta Rosa/AFP

MANILA, Philippines —  Magandang inspiras­yon si Carlos Yulo sa mga kabataang nagnanais sundan ang kanyang yapak matapos makasungkit ng dalawang gintong medalya sa Paris Olympics.

Maraming pinagdaanan si Yulo bago maabot ang tugatog ng tagumpay.

Nagbuhos ito ng dugo’t pawis para makamit ang inaasam na pangarap — ang gintong medalya para sa Pilipinas sa Olympic Games.

Kaya naman kung ta­ta­nungin ito kung ano ang kanyang mensahe sa noon ay batang si Carlos Yulo, isa lamang ang naisagot nito: “we did it.”

Noong bata pa ito, alam ni Yulo na hindi biro ang tatahakin nitong daan tungo sa minimithing pangarap.

Ngunit hindi ito naging hadlang para kay Yulo.

Sa halip, naging motibasyon ito ni Yulo upang mas maging matatag ito sa bawat pagsubok na dumaan sa kanyang buhay.

Pangunahing sinandalan nito ang Panginoon na siyang naging gabay nito sa kanyang naging journey.

“Sobrang thankful talaga ako kay God dahil hindi niya ako pinabayaan sa bawat laban ko. Parati siyang nandiyan para sa akin, healthy ako, walang injury,” ani Yulo.

Nagpasalamat din ito sa mga taong nakapaligid sa kanya na tunay na sumu­suporta sa kanyang bawat laban.

Parikular na rito ang Gymnastics Association of the Philippines (GAP) na pinamumunuan ni Cythia Carrion.

“Malaki rin ang pasasalamat ko kay ma’am Cynthia dahil siya ang gumagabay sa akin, sumusuporta sa akin,” ani Yulo.

Sa kabila ng tinatamasang tagumpay, wala pang balak tumigil si Yulo.

Pakay nitong makasungkit pa ng gintong me­dalya sa 2028 LA Olympics kung saan dedepensahan nito ang kanyang korona sa men’s floor exercise at men’s vault.

Malaiban sa dalawang events, nais din ni Yulo na makakuha ng medalya sa parallel bars at all-around events. 

vuukle comment

CARLOS YULO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with