^

PSN Palaro

Pons makakatapat ang college coach

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Pons makakatapat ang college coach

MANILA, Philippines — Bukod sa Cignal HD ay makakaharap din ni Creamline outside hitter Bernadeth Pons ang dati niyang college coach na si Shaq delos Santos sa kanilang knockout semifinal game sa 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Conference.

Naging player ni Delos Santos si Pons sa Far Eastern University Lady Tamaraws sa UAAP.

At ngayon ay hinahawakan ni Delos Santos ang HD Spikers habang kumakamada naman si Pons para sa Cool Smashers.

“Siyempre, excited ako na makalaban din sila. Alam ko na kilala ako ni coach (Delos Santos) kung paano ako maglaro, pero siyempre mas marami na akong baon ngayon,” wika ng tubong Talisay, Negros Occidental.

Magtutuos ang Creamline at Cignal sa knockout semis bukas para sa isa sa dalawang championship ticket.

Ang 27-anyos na si Pons ang sumalo sa naiwang trabaho nina injured Alyssa Valdez at Tots Carlos habang hindi rin naglalaro si Jema Galanza na kasama ng Alas Pilipinas.

Sa kabila ng magkaiba nilang koponan ay patuloy pa rin ang magandang samahan nina Pons at Delos Santos.

“Si coach Shaq naman hindi naman napuputol ‘yung communication namin, minsan naman nag-uusap pa rin kami,” wika ng 5-foot-8 na si Pons sa kanyang dating FEU coach.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with