^

PSN Palaro

SEAG sunod na tututukan ng POC

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
SEAG sunod na tututukan ng POC
POC president Abraham “Bambol” Tolentino

MANILA, Philippines — Balik-trabaho na ang Philippine Olympic Committee (POC) matapos ang matagumpay na kam­panya ng Team Philippines sa Paris Olympics.

Simula na agad ang POC sa pagbalangkas sa mga susunod na hakbang nito partikular na sa paghahanda para sa 33rd SEA Games na gaganapin sa Bangkok, Thailand sa susunod na taon.

“The SEA Games next year in Thailand is a concern, we’re bound to lose eight gold medals in four sports dropped by the Thais from their program,” ani POC president Abraham “Bambol” Tolentino.

Isinusulong ni Tolentino ang apela na maibalik ang ilang events na nawala sa kalendaryo at optimistiko itong papanigan ng SEA Games Federation Council ang kanilang hinaing.

“But we’re not losing hope, the appeal is there, and it will be decided in a SEAG Federation meeting next month,” ani Tolentino.

Magpupulong ang SEA Games Federation sa Oktubre 15 para malaman ang paghahanda sa SEA Games Thailand na gaga­napin sa Disyembre 9 hanggang 20 sa Bangkok, Chonburi at Sonkhia.

Nais iapela ng POC na maibalik ang weightlifting, wushu, jiu-jitsu at karate gayundin ang ilang traditional SEAG sports.

“It’s a tough task consi­dering that the Thais will be hard-pressed to dominate the games,” ani Tolentino.

Itinalaga rin si Tolentino bilang Olympic Council of Asia Legal Committee chairman sa meeting ng OCA sa New Delhi.

Ibinalita rin ni Tolentino na matutuloy ang Asian Indoor and Martial Arts Games (AIMAG) sa 2025 na iho-host na ng Saudi Arabia matapos mag-backout ang Thailand.

Pinaplano na rin ang partisipasyon ng bansa sa 20th Asian Games sa Nagoya sa 2026.

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->