^

PSN Palaro

EJ out na sa 2024 season

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tinapos na ni Olympian EJ Obiena ang 2024 season kung saan hindi na ito magpapartisipa pa sa mga natitirang international tournaments sa taong ito.

Ito ay upang makapagpahinga ang Pinoy pole vaulter dahil sa iniinda nitong injury.

Natuklasan na may fractured L5 vertebra ito sa kanyang lower spine na pangunahing sanhi ng pananakit ng kanyang likuran sa oras na sumasabak ito sa laban.

Mangangailangan ito ng halos isang buwan na pahinga upang tuluyang maghilom.

Kaya naman minabuti na ni Obiena na ipagpaliban na ang mga torneong nakalinya sa season na ito.

“I am sorry to announce that I must call a premature close to my 2024 season,” ani Obiena.

Tatlong malalaking torneo ang nakaabang pa sanang lahukan ni O­biena — ang ISTAF Berlin sa Germany, Wanda Diamond League Zurich Leg sa Switzerland at sa Wanda Diamond League final.

Kasama pa rito ang international pole vault competition na nais sana ihost ni Obiena sa Setyembre 20 sa Maynila kasama ang mga world class pole vaulters.

Ikinuwento ni Obiena na nakaramdam ito ng pana­nakit ng likod nang lumaban ito sa Wanda Diamond League Silesia Leg sa Poland.

Nagkasya lamang sa ikalimang puwesto doon si Obiena tangan ang 5.82m.

vuukle comment

EJ OBIENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with