SMB, Meralco sasalang sa EASL Season 2
MANILA, Philippines — Masasaksihan ng mga Pinoy fans ang pagsabak ng San Miguel at Meralco sa pagbubukas ng East Asia Super League (EASL) home-and-away Season 2 sa Oktubre 2.
Lalabanan ng Beermen ang Suwon KT Sonicboom ng Korea sa alas-7:10 ng gabi at sasagupain ng Bolts ang baguhang Macau Black Bears sa alas-9:10 ng gabi sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
Magtatapos ang group stage sa Pebrero 12 ng 2025 kasunod ang Final Four at championship weekend sa Marso 7 hanggang 9.
Hinati ang 10 teams sa dalawang grupo.
Kasama ng San Miguel, ang Season 48 PBA Commissioner’s Cup champion, sa Group A ang B.League titlist Hiroshima Dragonflies, KBL runner-up Suwon KT Sonicboom, P. League+ runner-up Taoyuan Pauian Pilots at HKSAR champion Hong Kong Eastern.
Nasa Group B ang Meralco, naghari sa PBA Philippine Cup, kasama ang B.League runner-up Ryukyu Golden Kings, KBL ruler Busan KCC Egis, P.League+ king New Taipei Kings at Macau SAR champion Black Bears.
“The 34-game EASL season is the ultimate test in Asian club basketball. After an incredible performance during our first season in 2023-24, this is now understood by teams, players and fans alike.
- Latest