^

PSN Palaro

Sen. Go kinatigan si Ardina

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pinakinggan ni Senate Committee on Sports chairman Sen. Christopher “Bong” Go ang hinaing ni national golfer Dottie Ardina kaugnay sa isyu sa uniporme na nangyari sa 2024 Paris Olympics.

Sa kanyang video post ay ipinakita ni Ardina Philippine flag patch na idinikit niya sa kanyang uniporme gamit ang double-sided tape.

“Malaking bagay po ang uniporme kasi nandoon po ang bandila ng Pilipinas. Ito po ang sumimbolo sa bansa at sumasalamin po sa sambayanang kanilang nirepresenta. Napakahalaga po sa ating mga atleta na may bandila sa kanilang uniporme,” sabi ni Go.

Idinagdag ng Senador na nagsisilbi ang kanyang komite bilang venue kung may hinaing, reklamo at kung paano pa maisasaayos ang sistema at suporta sa mga atleta.

Samantala, inihain ni Go ang Senate Resolution No. 1160 na naglalayong magkaroon ng masusing post-evaluation sa paglahok ng Pilipinas sa Paris Olympics.

“Hindi po natin nais magsisihan. Ang gusto lang natin ay maibigay ang sapat na suporta sa ating mga magigiting na atleta na bitbit ang karangalan ng ating bansa. Once in a lifetime lang po ang mga oportunidad na ito na makasali sa Olympics o iba pang international competitions. Ibigay na po natin ang buong suporta na nararapat,” ani Go.

Naging instrumento si Go sa pagpapalabas ng P500,000 cash assistance na ibinigay ng Philippine Sports Commission sa 22 Pinoy Olympians isang buwan bago ang Paris Ga­mes.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with