Marcial, Sanchez minalas sa Paris
PARIS -- Sa pagbabalik ng mga miyembro ng Team Philippines sa kanilang kampo ay isa sa dalawang boxers ang minalas.
Dagdag pa dito ang kabiguan ni swimmer Kayla Sanchez, nagtayo ng bagong Philippine record sa women’s 100m freestyle, na makapasok sa finals.
Kapwa nagtapos ang mga kampanya nina Eumir Marcial at Sanchez, parehong podium finishers sa Tokyo Olympics noong 2021, pati na ang kanilang mga pangarap
Sila ang mga pinakahuling nasibak sa 22-strong Philippine contingent matapos sina fencer Sam Catantan, judoka Kiyomi Watanabe at gymnasts Aleah Finnegan, Emma Malabuyo at Levi Ruivivar.
Ang kabiguan at pighati ang tumabon sa naunang panalo ni Nesthy Petecio kay Indian Jaismine Lamboria sa women’s 57kg Round of 32 clash sa Paris North Arena.
Ngayon ay aasa ang Team Philippines kina boxers Carlo Paalam at Hergie Bacyadan at Aira Villegas.
Natalo si Marcial sa mas bata at mas matangkad na si Uzbek Turabek Khabibullaev sa kanilang men’s 80kg Round of 16 bout.
Sa pagtunog ng final bell ay hinirang na panalo ang 22-anyos na si Khabibullaev sa kabila ng maraming suntok na ibinato ng 29-anyos na si Marcial.
Kagaya ni Marcial, mas matangkad din kay Petecio ang nakaharap na si Lamboria.
Ngunit dinomina ni Petecio si Lamboria para sa kanyang unanimous decision win.
Sa swimming pool sa Paris La Defense Arena, nagtala si Sanchez ng 54.21 segundo para tumapos sa ika-15 puwesto sa kabuuang 16 semifinalists sa 100m freestyle event.
- Latest