^

PSN Palaro

Alas hahataw sa AVC semis

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Alas hahataw sa AVC semis
Bella Belen

MANILA, Philippines — Nagsanib-puwersa sina collegiate stars Bella Belen, Alyssa Solomon at Angel Canino sa 25-21, 25-15, 25-19 paggupo ng World No. 47 Alas Pilipinas sa No. 30 Kazakhstan papasok sa semifinals ng 2025 AVC Women’s Volleyball Nations Cup kahapon sa Hanoi, Vietnam.

Humataw si Belen ng 16 points mula sa 14 attacks at dala­wang blocks para pamunuan ang mga Pinay hitters habang may 14 at 13 markers sina Alyssa Solomon at Angel Canino, ayon sa pagkakasunod.

Nagtapos ang Alas Pilipinas at Kazakhstan sa 4-1 record sa Pool B sa pagtatapos ng pool play.

Ngunit nakuha ng mga Pinay spikers ang No. 1 spot dahil sa kanilang 13 match points kumpara sa 12 ng mga Kazakhs.

“I expect to my team to play better and I always tell them that to perform good and the result will come,” sabi ni Alas coach Jorge Souza de Brito sa kanilang pagsagupa sa alinman sa Pool A top team at two-time defending champion Vietnam (3-0) o sa Chinese-Taipei (2-1) sa knockout semifinals ngayon.

Hindi naglaro para sa Kazakhstan si top scorer Sana Anarkulova na nagkaroon ng sprained ankle sa nauna nilang panalo sa Iran.

Nakaganti ang mga Pinay hitters sa mga Kazakhs na sumibak sa kanila sa semis ng 2024 Challenge Cup kung saan nakamit ng Alas Pilipinas ang makasaysayang bronze medal finish.

Ito ang tumapos sa 63 taong pagkauhaw ng bansa sa medalya sa AVC-sanctioned play.

“Mindset for semifinals is the same, play good and take every advantage that we can,” dagdag ng Olympic at Brazilian coach.

VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with