^

Punto Mo

Atleta na walang mga binti, nakatanggap ng Guinness dahil sa talento sa skateboarding!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 32-anyos na American athlete ang nakapagtala ng world record sa sports na Skateboarding sa kabila ng kanyang kapansanan!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Records na si Kanya Sesser ang pinakabagong world record holder sa titulong “Longest Handstand on Skateboard” matapos siyang makapag-balanse gamit ang kanyang mga kamay sa isang skateboard sa loob ng 19.65 seconds.

Ipinanganak si Kanya noong 1992 sa Pak Chong, Thailand na walang mga binti. Iniwan siya ng kanyang totoong magulang sa isang Buddhist temple para ipaampon sa mga monghe.

Limang taong gulang siya nang ampunin ng mag-asawang Amerikano at dinala siya ng mga ito sa Portland, Oregon. Pinalaki si Kanya ng kanyang mga adoptive parents na maging masayahin at confident sa kabila ng kanyang kapansanan.

Bukod sa skateboarding, naging miyembro rin ng cheerleading team si Kanya at lumalaban din siya sa sports na wheelchair track racing.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORDS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with