^

PSN Palaro

Gilas Boys kinaldag ang Indonesia

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon
Gilas Boys kinaldag ang Indonesia

Swak sa 2024 FIBA U18 Asia Cup

MANILA, Philippines — Tinambakan ng Gilas Pilipinas boys ang Indonesia, 87-64, upang mawalis ang SEABA Qualifiers at makapasok sa 2024 FIBA U18 Asia Cup kahapon sa MABA Stadium sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Humakot ng muntikang triple-double na 29 puntos, 12 rebounds at 8 assists si Andy Gemao upang pamunuan ang ikatlong sunod na blowout win ng Nationals.

Nauna nang pinanis ng Gilas ang host na Malaysia, 97-71, at Thailand, 87-54, para sa pambihirang 27.3-puntos na winning margin average.

Nakumpleto nila ito sa tulong ni Wilhem Lawrence Cabonilas na tumabo ng 16 puntos at 9 rebounds habang nag-ambag ng 14 at 10 puntos sina John Earl Medina at Charles Francis Esteban, ayon sa pagkakasunod.

Bahagya lang ang bentahe ng Gilas sa unang quarter, 29-22, subalit nagpakawala ng 22-9 ratsada sa ikalawang kanto at hindi na lumingon pa tungo sa 23-point na tagumpay.

Dahil dito ay naduplika ng Gilas ang nagawa ng U16 team na winalis din ang SEABA Qualifiers noong nakaraang edisyon upang makapasok sa FIBA U16 Asia Championship.

Pumang-apat ang Gilas sa naturang Asian tourney na naging tiket nila sa katatapos lang na FIBA U17 World Cup para sa pagbabalik ng bansa sa world stage simula noong 2019 sa panahon pa ng triple towers na sina Kai Sotto, Carl Tamayo at AJ Edu na nasa Gilas men’s na ngayon.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with