Go for Gold Criterium Race Series 2 papadyak bukas
MANILA, Philippines — Matapos ang matagumpay na pagdaraos ng Go For Gold Criterium Race Series 1 sa Clark, Pampanga ay gagawin naman ang Series 2 sa City Di Mare sa Cebu City bukas.
Bukod sa pagtatampok sa mahuhusay na riders sa rehiyon sa men’s at women’s elite at sa under-23 categories, ang closed-circuit 1.1-kilometer route ang posibleng maging instrumento para sa pagdiskubre ng mga bagong talento.
“With Cebu being a hotbed of cycling and cycling talent, we expect na maraming manonood at pupunta sa event natin,’’ sabi ni Go For Gold founder Jeremy Go.
Tinukoy ng Go For Gold Cycling Team ang 17-anyos na si Marvin Mandac mula sa Batangas sa Go For Gold Criterium Race Series 1 sa Clark matapos pagharian ang juniors category.
Umagaw din ng atensyon si Marco Lumanog ng Pangasinan na bumida sa men’s elite class.
“Not all cyclists will be given the opportunity, but this is one way to discover those talents. The best way to find them is to set up top-quality races where cyclists from far-flung areas can access and show off their skills,’’ wika naman ni Go For Gold project director Ednalyn Hualda.
Sa inaasahang pagpadyak ng higit sa 500 cyclists mula sa 10 categories, ang second phase ng three-leg race series na suportado ng Go For Gold, Scratchit, BOOSTER C, MAGENE, SPN Cycle, IPI, City Di Mare, CCN, Hytera, Gatorade, NeoZigma, CCLEX, Nickel Asia Corporation, Cebu City Government at PhilCycling ang lalo pang magbabalik ng sigla sa cycling.
“We’re trying to grow the sport of cycling and also trying to professionalize it. That’s why we always work hand in hand with PhilCycling,’’ dagdag pa ni Go, ang cycling godfather na sumusuporta sa higit 200 riders, kasama ang 26-man Go For Gold Cycling Team.
- Latest