^

PSN Palaro

Avellaneda nagsulong ng 3 ginto

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon

ZAMBOANGA CITY, Philippines — Kumulimbat ng tatlong gold medal si Philippine Navy cadet Hanna Claire Avellaneda sa women’s chess sa ginaganap na 2nd Philippine ROTC Games 2024 Mindanao Qualifying Leg dito.

Niratsada ng 20-anyos na si Avellaneda ang mga ginto sa standard, rapid at blitz events na inilaro sa Wes­tern Mindanao State University.

Ayon kay Avellaneda, isang 3rd-year Bachelor of Science in Marine Transportation student sa Zambonga State College of Marine Sciences and Technology, hindi niya akalain na magkakampeon siya sa tatlong event sa chess dahil magagaling din ang kanyang mga nakalaro.

“Sasali po ako sa National Finals sa Indang, gagawin ko po ang lahat para manalo, alam ko pong mas ma­gagaling ang makakalaban ko,” saad ni Avellaneda.

Hindi rin nagpadaig si Shaina Jane Isnani ng Minda­nao State University-Sulu para sa Philippine Air Force pa­ra pagwagian ang  standard, rapid at blitz event.

Nasungkit naman ni Philippine Army bet Jessa Cor­pus ang pang-apat na gintong medalya matapos ma­kipagtulungan kina Emily Omapia, Angelie Barete at Ro­nalyn Suson sa 4x400 relay na itinakbo sa Joaquin En­riquez Memorial Sports Complex track oval.

Samantala, bumilib naman si Philippine Sports Commission (PSC) chairman Richard Bachmann dahil sa pagdami ng mga atletang lumahok sa ROTC Games sa Zamboanga.

vuukle comment

ROTC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with