^

PSN Palaro

France pasok sa Final 8 ng 2024 VNL

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
France pasok sa Final 8 ng 2024 VNL
natake ni Kevin Tillie ng France ang depensa ni Flavio Gualberto ng Brazil sa 2024 VNL Manila Leg.
Rusell Palma

MANILA, Philippines —  Hinataw ng France ang tiket sa Final Eight ng 2024 Volleyball Nations League (VNL) matapos gibain ang Brazil, 25-23, 27-29, 13-25, 25-19, 18-16, sa Manila Leg kahapon sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Humampas si Theo Faure ng 29 points sa likod ng 25 attacks, tatlong service aces at isang block para sa 8-4 record ng mga Frenchmen papasok sa eight-team final round na magsisimula sa Hunyo 27 sa Atlas Arena sa Lodz, Poland.

Sa kabila ng kabiguan ay pasok din ang mga Bra­zilians sa Final Eight sa kanilang 6-6 baraha.

Ang iba pang tiyak na sa final round ay ang Slovenia (10-1), Poland (9-2), Italy (8-3), Canada (8-4) at Japan (8-3).

Matapos magtabla sa 2-2 ay tumabla ang France sa 13-13 sa fifth set bago iwanan ang Brazil sa 17-16 mula sa hataw ni Faure kasunod ang ace ni Quentin Jouffroy para selyuhan ang kanilang panalo.

Sa unang laro, tinapos ng Germany ang kanilang kampanya sa 25-20, 25-23, 25-20 pagwalis sa Iran sa duwelo ng mga talsik nang koponan.

Nagtala ang mga Germans ng 5-7 marka para umupo sa No. 12 spot sa 16-team VNL tournament, habang bagsak ang mga Iranians sa No. 15 place sa kanilang 2-10 baraha.

Ang dalawang panalo ng Iran ay kontra sa United States at Netherlands.

Humataw si Moritz Karlitzek ng 21 points mula sa 17 hits, dalawang blocks at dalawang service aces para sa Germany at nagdagdag si Moritz Reichert ng 13 markers.

Matapos ang VNL Manila Leg ay paghahandaan ng mga Germans ang 2024 Paris Olympic Games sa susunod na buwan.

VNL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with