^

PSN Palaro

SMB ikinasa ang quarterfinals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
SMB ikinasa ang quarterfinals
Bumalaksak si SMB guard CJ Perez sa gitna ng dalawang NorthPort defenders.
PBA

MANILA, Philippines — Dinomina ng San Mi­guel ang NorthPort, 120-100, para kunin ang u­nang quarterfinals berth ng Season 48 PBA Philippine Cup kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Itinagay ng Beermen ang pang-pitong sunod na panalo papasok sa quarterfinals at ibinagsak ang Batang Pier sa ikaapat na dikit na kamalasan para sa 4-5 baraha.

Sunod na target ng tropa ni coach Jorge Gallent ang Top Two spot na magbibigay sa kanila ng ‘twice-to-beat’ bonus sa Last Eight.

Umiskor si CJ Perez ng 19 sa kanyang 29 points sa first half kung saan tina-ngay ng SMB ang 72-47 halftime lead patungo sa 114-75 pag-iwan sa NorthPort sa 9:43 minuto ng fourth quarter.

Samantala, itinala ng sibak nang Converge ang unang panalo sa torneo matapos takasan ang Meralco, 104-99.

Nagsalpak si Bryan Santos ng pitong triples, kasama ang lima sa third period kung saan sila nakabangon mula sa 11-point deficit, para tumapos na may 22 points sa 1-8 marka ng FiberXers.

“Same game plan and same approach. The players are motivated, the whole team is motivated to get this first win,” ani coach Aldin Ayo sa kanyang tropa na humataw ng 35 points sa third quarter.

Pinamunuan ni Chris Newsome ang Bolts, laglag sa ikalawang dikit na kabi­guan para sa 3-5 baraha, sa kanyang 25 points kasunod ang 20 markers ni Chris Banchero.

vuukle comment

JORGE GALLENT

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with