^

PSN Palaro

Thrilla in Manila

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Fifty years na pala next year ang “Thrilla in Manila” ni Muhammad Ali at Joe Frazier.

Sa mga dehins alam, ito ang tinaguriang greatest fight in boxing history. Ginanap ito sa Araneta Coliseum noong Oct. 1, 1975.

Nasa elementary pa ako. At naaalala ko na tanghali ginawa ang laban. May classmate ako na nagdala ng TV sa classroom. Nanood kami lahat.

Si Ali ang nanalo. Dramatic TKO sa end ng 14th round. Halos magpatayan. Sabi nga ng aking editor and mentor na si Lito Tacujan na nasa ringside, parang dalawang kalabaw na nag-rambulan sa loob ng ring.

Si Carlos Padilla ang referee. Buong mundo ang nanood.

Talagang “Thrilla in Manila.”

At dahil dito, plano ni Manny Pacquiao mag-stage ng isang grand ce­lebration. Golden year.

Dahil pumanaw na si Ali at Frazier, balak nila imbitahin ang mga kaanak nila. Pati si Padilla, na 90 years old na at based na sa US, papupuntahin.

Ang promoters, si Don King at Bob Arum, gusto din nilang imbitahin. Tan­ders na din at 92 years old pero active pa sa boxing.

Sana matuloy. Mala­mang, tutulong din si PBBM dahil project ng kanyang ama na si Ferdi­nand Marcos Sr. ang “Thrilla in Manila.”

Nag-iisip pa ang MP Promotions ng magandang pakulo.

Ano pa eh ‘di exhibition fight ni Pacquiao.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with