^

PSN Palaro

Mapua Lady Cardinals kumapit sa No. 4 spot

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
Mapua Lady Cardinals kumapit sa No. 4 spot
Tumipa si Dela Cruz ng 20 points, habang 18 ang kinana ni Ricablanca para sa Lady Cardinals na kumapit sa No. 4 spot sa team standings kasalo ang Arellano Lady Chiefs tangan ang 5-3 record.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Nagtulungan sa opensa sina Roxie Dela Cruz at Raissa Janel Ricablanca upang igiya ang Mapua University sa 21-25, 25-19, 26-28, 25-16, 15-13 panalo kontra Lyceum of the Philippines sa NCAA Season 99 women’s volleyball tournament kahapon sa Filoil EcoOil Centre.

Tumipa si Dela Cruz ng 20 points, habang 18 ang kinana ni Ricablanca para sa Lady Cardinals na kumapit sa No. 4 spot sa team standings kasalo ang Arellano Lady Chiefs tangan ang 5-3 record.

Napalaban nang to­do ang Lady Cardinals at naungusan sila ng Lady Pi­rates ng isang set, 1-2, mabuti at nanatili ang ka­nilang tikas kaya nasikwat ang huling dalawang frames.

Tumulong sa opensa sina Alyana Nicole Ong at Nadine Angeli Berces na nagtala ng 16 at 13 mar­kers, ayon sa pagkakasunod, at anim ang ambag ni Princess Jolina Barbiera.

Nalasap naman ng Lyceum ang pangalawang talo sa walong salang pero nanatili sila sa second spot ng team standings.

Bumira si Johna Denise Dolorito ng 25 markers na galing lahat sa spikes pero hindi sapat upang itawid sa panalo ang Lyceum.

May pareho namang 18 points sina Janeth Tulang at Joan Doguna para sa Lady Pirates.

vuukle comment

ROXIE DELA CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with