^

PSN Palaro

Hacked

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Na-hack DAW ang online fan voting para sa last PBA All Stars.

Dehins naman imposible dahil sa dami ng computer experts ngayon, eh kahit ano, kahit sino pwede ma-hack.

Mga bank accounts nga kaya ma-hack eh or websites ng government agencies or ang bilangan sa election.

PBA fan voting pa!

Pero ano ang motibo kung totoo man ang naging hacking na ibinulgar ng ating kabaro na si Snow Badua?

Sino ang makikinabang? May nagbayad ba sa hacker?

Ang sabi naman ng PBA, no need to investigate dahil lahat ng pumasok sa All Stars sa Bacolod, deserving.

Ayon sa hacker, na isa DAW cyber security expert, pinaglaruan niya ang fan voting sa RSJ (Rookies-Sophomores-Juniors) cast.

Kaya DAW niya patungan ng 100,000 votes ang pangalan ng isang player sa isang click ng computer.

At sinubukan DAW niya ito kay Keith Saldivar ng Converge and in the end, siya ang top vote getter para sa RSJ game.

Magaling naman si Zaldivar. Big man at mahusay kumilos. Pero tinalo niya silang lahat sa botohan, kabilang sila Jamie Malonzo, Calvin Oftana, Justin Arana at ang YouTube star na si Kyt Jimenez.

 Totoo kaya na may nangyaring hacking?

Oo DAW.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with