PNVF, national team paghahandaan ang Men’s World Championships
MANILA, Philippines — Tiniyak ng Philippine Natioinal Volleyball Federation (PNVF) ang kahandaan nito ngayon pa lang para sa makasaysayang pag-host ng FIVB Volleyball Men’s World Championships sa unang pagkakataon sa 2025.
“I am ready. We are ready. The team is ready. The Philippines is ready to face the challenges and fulfill a dream as our hearts beat collectively to serve the sport. If you love volleyball, then you will surely love the Philippines,” pangako ni Philippine National Volleyball Federation (PNVF) president Ramon “Tats” Suzara.
Nakasama ni Suzara sa official launch ang mga players, coaches at opisyales ng bansa para ipakita ang buong puwersa sa pangunguna nina Senador Alan Peter Cayetano, chairman emeritus ng PNVF, Department of Tourism Office of Film and Sports Tourism director Roberto Alabado III at Cignal president at CEO Jane Basas.
“I believe that it’s time for the world volleyball to see how united the Philippine volleyball community is,” ani Cayetano.
Noong nakaraang linggo ay iginawad ng FIVB sa Pilipinas ang hosting rights mula sa 30 bidders para sa world championships na nakatakda sa Setyembre 12-28 na gaganapin sa Smart Araneta Coliseuma at Mall of Asia Arena.
Ito ang unang beses sa loob ng isang dekada na magkakaroon ng solo host ang FIVB simula nang gawin ito ng Poland noong 2014.
Bilang host tampok din ang Cignal at PLDT bilang main sponsors ng koponan at host broadcaster, may siguradong puwesto na ang Pinas sa 32-team event.
Makakalaro rin sa wakas ang bansa sa unang pagkakataon matapos ang 50 taon simula nang mag-debut noong 1974 edition sa Mexico.
Pilipinas din ang magho-host ng official draw sa Setyembre bago simulan ang countdown at ang national team training camp sa pangunguna ni Brazilian coach Sergio Veloso.
Ito na ang ikalawang sunod na magdaraos ng world championships ang Pilipinas buhat nang pamahalaan ang FIBA Baskeball World Cup noong nakaraang taon kasama ang Japan at Indonesia.
- Latest