^

PSN Palaro

Batang Rizal

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Bumalik ang PBA games sa Rizal Memorial Coliseum.

In fact, naka-isang playdate na last week at ang plano ay masusundan pa.

May PBA games din sa Ninoy Aquino Stadium sa harap ng dating Harrison Plaza.

Pero sa Rizal Memorial?  Wow! Ang dinig ko, 1980s pa huling naglaro doon ang PBA.

Historic venue dahil dyan naglaro ang MICAA dati. Panahon pa nila Caloy Loyzaga, Robert Jaworski, Freddie Webb, Tembong Melencio, etc.

Noong 1934 itinayo ang venue. Dati raw carnival ang pwesto. Noong 1945, nawasak ito sa giyera at ina­yos in time para sa 1954 Asian Games dito sa bansa.

Hanggang 1990s, naging favorite venue ito ng NCAA at UAAP. Dyan ko napapanood dati sila Samboy Lim at Bong Alvarez. Mga batang Rizal.

May plano pa na sa ibang games, magsusuot ng retro uniforms ang PBA teams.

Masikip na shorts?

Maliit ang venue dahil hanggang 6,000-7,000 lang yata ang capacity nito. Pero okay lang ‘yan. Mas maganda nga kung puno.

May isa lang ako nakikitang problema kung may big game.

Ang parking.

vuukle comment

PBA

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with