^

PSN Palaro

Easy, coach!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Sa isang kuwentuhan, nasabi ni coach Yeng Guiao, isa sa mga favorite coaches ko, na marami na siyang napaaral sa PBA. Mga anak ng retired players na nangangailangan.

Paano kamo? Dahil sa dami ng fines niya sa PBA.

Sa trust fund napupunta ang fines, whether ng coach, player, team manager at kahit na ballboy. Gina­gamit ang pondo na ito para sa mga retired players at kadalasan, sa scholarships ng mga bata.

Sa tagal ni coach Yeng sa PBA, mula noong 1990, kulang ang mga daliri ko sa kamay at paa para bilangin kung ilang beses na siyang na-fine.

‘Wag na nating isama ang suspension. Pero sa fines, may umabot pa ng P100,000 ang barya-bar­yang P10,000.

Kung magkano ang total, baka nasa milyon na.

Kailan lang, na-fine na naman si coach matapos ma-eject sa game ng Rain or Shine kontra Meralco. Natalo ang ROS sa game.

Two technical fouls si coach kaya ejected. At on his way out, minura niya ng harap-harapan ang isang referee.

Malutong. Dinig ng lahat. At caught on camera. Again, na-fine si coach ng P20,000. Kaltas sa sahod.

Mabuti at sa mabuting bagay napupunta ang fine.

Pang-tuition fee.

vuukle comment

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with