^

PSN Palaro

Ja-wor-ski!

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

May confession ako: Crispa fan ako dati sa PBA.

Pero after maging sportswriter ako noong 1989 at pinalad na makoberan si Robert Jaworski, naging instant Jaworski fan ako.

On and off the court, nakilala ko si Jaworski. Ang style niya as player, as coach and as a person ay one of a kind.

Sa dugout, in the early ‘90s, palagi namin siya pinupuntahan para sa interview – win or lose. Alala ko na after each game, malamig na Coke ang iniinom niya habang kausap kami.

Ibang klase ang charisma ni Big J sa masa. Naging senador siya noong 1998 at sa totoo lang, kung tumakbo siya bilang presidente, may chance nakapuwing.

Pero ayaw niya. Parang nung may clamor na ma­ging PBA commissioner siya, ang sabi niya, “Mahirap ‘yan. Ikaw nga ang chief of police, marami naman may tsapa.”

Isa ‘yan sa mga famous lines ni Big J sa amin sa media.

Sa kanyang 46th birthday in 1992, pinuntahan ko siya sa Ginebra practice sa Libis. Palapit na ang presidential elections at pabiro ko siyang tinanong kung ano ang gagawin niya kung siya ang manalo.

“Ang una kong gagawin, magpapatayo ako ng ospital,” ang sagot niya. Natigilan ako. Then tinapos niya ang sentence niya. “Ospital para sa mga inggitero.”

Natawa kami pareho. That was 32 years ago.

Last Friday, March 8, ang 78th birthday ni J­aworski. May karamdaman si idol. Kaya malamang, very private ang naging celebration.

Happy birthday, BIG J!

vuukle comment

PBA

SPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with