^

PSN Palaro

Beermen amoy na ang finals

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Beermen amoy na ang finals
Ang layup ni Christian Standhardinger ng GSM sa likod ni Mo Tautuaa ng SMB.
Jun Mendoza

MANILA, Philippines — Isang panalo na lang ang kailangan ng Beermen papasok sa PBA Finals.

Ito ay matapos dalawa­han ng San Miguel ang utol na Ba­rangay Ginebra, 106-96, sa Game Two ng Season 48 PBA Commissioner’s Cup semifinals se­ries kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Itinayo ng Beermen ang 2-0 lead sa kanilang best-of-five showdown ng Gin Kings.

Nauna nang itinakbo ng SMC franchise ang 92-90 panalo sa Game One.

Humakot si import Bennie Boatwright, Jr. ng 38 points tampok ang anim na three-point shots bukod sa 9 rebounds at 2 assists para sa SMB.

Kumolekta si seven-time MVP June Mar Fajardo ng 17 points, 14 boards at 6 blocks, habang may 17 at 16 markers sina CJ Pe­rez at Marcio Lassiter, ayon sa pagkakasunod.

Pinamunuan ni Jamie Ma­lonzo ang Ginebra sa kanyang 27 points kasama ang anim na triples at may 25 markers si import Tony Bishop.

Kaagad itinayo ng Beer­men ang 10-0 benta­he bago nakadikit ang Gin Kings sa pagtiklop ng first period patungo sa 65-60 kalamangan sa 5:13 minuto ng third quarter.

Ang ikaapat na tres ni Lassiter ang nagbigay sa San Miguel ng 94-88 kalamangan sa 3:20 minuto ng final canto.

Huling nagbanta ang Gi­nebra sa 95-99 mula sa dalawang free throws ni Bishop sa 1:39 minuto ng laro.

vuukle comment

GIN KINGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with