Diretsong tres sa San Juan sa PSL
MANILA, Philippines — Tumuloy ang San Juan sa ikatlong sunod na ratsada matapos gibain ang Cam Norte, 98-84 sa Pilipinas Super League President’s Cup sa FilOil Centre sa San Juan City.
Humakot si Dexter Maiquez ng 17 points para sa 3-0 record ng Kings na nakahugot din kina Marwn Taywan, Mike Malonzo, Egie Mojica at AC Soberano ng 13, tig-12 at 11 markers, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, inilista ng Caloocan ang ikaapat na dikit na panalo sa limang laro matapos talunin ang Kyusi Pablo Escobets, 96-67.
Pumukol sina Jeramer Cabanag at Damian Lasco ng pinagsamang 27 points para sa Supremos.
Nagbigay ng suporta sina ex-PBA players Gabby Espinas, Riel Cervantes, Mac Baracael, Paul Sanga at Ronnie Matias kontra sa Pablo Escobets.
Nagpasabog naman si Paolo Hubalde ng 31 mar-kers para pangunahan ang RCP Shawarma Shack sa 94-87 pagsapaw sa CV Siniloan sa torneong pinamumunuan ni basketball legend at PSL Commissioner Allan Caidic.
- Latest