^

PSN Palaro

New Taipei Kings palit sa Bay Area sa East Asia Super League

JBulanday - Pilipino Star Ngayon
New Taipei Kings palit sa Bay Area sa East Asia Super League
Ito ang inanunsyo ni EASL CEO Matt Beyer matapos ma-disband ang Dragons sakto sa pagsali nito sana sa EASL at sa PBA Commissioner’s Cup.
STAR/File

MANILA, Philippines — New Taipei Kings ang kapalit ng Bay Area Dragons sa paparating na kauna-unahang full regular season ng East Asia Super League.

Ito ang inanunsyo ni EASL CEO Matt Beyer matapos ma-disband ang Dragons sakto sa pagsali nito sana sa EASL at sa PBA Commissioner’s Cup.

“EASL is ecstatic to welcome the New Taipei Kings to our inaugural home-and-away season and to grow our partnership with the P.LEAGUE+. We look forward to bringing top Japan B.LEAGUE, Korea Basketball League (KBL) and Philippine Basketball Association (PBA) teams to New Taipei in front of the Kings’ sellout crowds,” ani Beyer.

Runner-up ng P.LEAGUE+ ang New Taipei  sa pangunguna nina Joseph Lin at Byron Mulles sa gabay ni Ryan Marchand.

Sa parehong pahayag ay sinabi ng EASL na conflict of interest ang dahilan ng disbandment ng Bay Area na pagmamay-ari din ng liga.

Sa PBA Commissioners’ Cup kung saan ito nagsilbing guest team ay naging runner-up ito sa Ginebra sa harap ng record-breaking gate attendance na 54,589 fans sa Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan.

Sa papalapit na home-and-away format ng EASL sa Oktubre, makakasama ng New Taipei ang Commissioner’s Cup champion na Barangay Ginebra sa Group B kasama ang Japan B. League champion na Ryukyo Golden Kings at Korean Basketball runner-up na Seoul SK Knights.

Nasa Group A naman ang PBA Governors’ Cup champion na TNT kasama ang P. League+ champion na Taipei Fubon Braves, Chiba Jets ng Japan at Korean champion na Anyang KGC.

BASKETBALL

SPORTS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with