^

PSN Palaro

Klase, trabaho sa NCR at Bulacan suspendido sa August 25 para sa FIBA World Cup

Philstar.com
Klase, trabaho sa NCR at Bulacan suspendido sa August 25 para sa FIBA World Cup
A teacher guides her students before a nationwide earthquake drill, at the Rafael Palma elementary school in Manila on September 8, 2022.
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines —  Idineklara ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na suspendido ang klase sa lahat ng antas ng public schools, gayundin ang pasok sa mga opisina ng pamahalaan sa Metro Manila at probinsya ng Bulacan sa ika-25 ng Agosto.

Ayon sa Memorandum Circular 27 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong ika-15 ng Agosto, ang suspension na ito ay para magbigay daan sa opening ceremonies ng 2023 FIBA Basketball World Cup na gaganapin sa Philippine Arena.

Ang Iglesia ni Cristo-owned Philippine Arena, na "pinakamalaking indoor arena" sa buong mundo, ay matatagpuan sa Bocaue, Bulacan.

Binanggit din sa memorandum na ang suspension ay bahagi ng “commitment of the public sector towards wider involvement and participation in sports promotion and development” at upang matiyak na matagumpay ang magaganap na opening ceremonies sa araw na iyon.

Inilinaw din sa memorandum na patuloy lang ang operasyon at pagbibigay serbisyo ng mga opisina ng pamahalaan na nagpapatupad ng mga basic at health services, kahandaan sa mga kalamidad, at mga nagpapatubad ng iba pang vital services.

Ang suspensyon naman ng mga klase sa mga pribadong paaralan at mga pribadong kumpanya ay nasa pagpapasya na ng mga namumuno dito. 

Una nang inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority na isususpindi ang ilang mall sales at road works sa Metro Manila simula ika-17 ng Agosto hanggang ika-10 ng Setyembre kaugnay pa rin ng FIBA.

Bukod sa Pilipinas, gaganapin din ang 2023 FIBA Basketball World Cup sa Japan at Indonesia. Ang naturang torneo ay magsisilbing qualifications para sa 2024 Summer Olympics. — intern Matthew Gabriel

vuukle comment

BASKETBALL

BONGBONG MARCOS

BULACAN

FIBA WORLD CUP

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION

PHILIPPINE ARENA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with