^

PSN Palaro

Sanchez masusubukan sa Asiad

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Sanchez masusubukan sa Asiad
Kayla Sanchez
This file photo shows swimmer Kayla Sanchez. (Canada Swimming/Facebook)

MANILA, Philippines — Masusubukan ang hu­say ni Fil-Canadian Kayla Sanchez sa kanyang pag­ban­dera sa 394 national athletes sa 19th Asian Games sa Hangzhou, Chi­na.

Lalangoy si Sanchez sa limang events sa swimming competition ng quadrennial event na naka­takda sa Setyembre 24 hanggang Oktubre 8.

Kumpiyansa si Philippine Olympic Committee (POC) president at Tagaytay City Rep. Abraham “Bambol” Tolentino sa ka­ka­yahan ng 22-anyos na lady tanker.

Sa nakaraang Tokyo Olympics ay kasama si Sanchez sa Canadian team na sumikwat ng silver medal sa women’s  4x100 m freestyle relay.

Noong 2018 Asian Games na idinaos sa Ja­karta at Palembang, Indo­nesia ay apat na gold me­­dals ang hinakot ng Pilipinas.

Ang mga ito ay nagmu­la kina Tokyo Olypics champion Hidilyn Diaz-Naranjo sa weightlifting, Margielyn Didal sa skateboarding at Yuka Saso, Bianca Pagda­nganan at Lois Kaye Go sa women’s individual at team golf.

May dalawang silvers at 15 bronzes din ang dele­gasyon.

Sinabi ni Tolentino na umabot sa 400 ang naunang bilang ng mga atletang ilalaban sa Hangzhou Asiad.

“The number reached 400 but was later trimmed down after a series of deliberations by the POC and the national sports associations,” wka ni Tolentino sa resulta ng General Assembly.

Lalahok 395 atleta sa 37 sa kabuuang 40 sports.

KAYLA SANCHEZ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
18 hours ago
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with