Bornea nabigo sa misyon kay Martinez
MANILA, Philippines — Nakalasap si Pinoy challenger Jade Bornea ng isang 11th-round loss kay world super flyweight champion Fernando Martinez ng Argentina kahapon sa Armory sa Minneapolis.
Ito ang unang kabiguan ng 28-anyos na si Bornea sa kanyang 19 laban, habang dumiretso ang 31-anyos na si Martinez sa pang-16 sunod na panalo tampok ang siyam na knockouts.
Matagumpay na naidepensa ni Martinez ang suot na International Boxing Federation (IBF) super flyweight crown na inagaw niya kay dating PInoy titlist Jerwin Ancajas noong Pebrero ng 2022.
Hindi naiganti ng tubong General Santos City ang kababayang si Ancajas na natalo rin kay Martinez sa kanilang rematch noong Oktubre.
Itinigil ni referee Charlie Fitch ang laban nina Bornea at Martinez sa dulo ng round 11 kung saan duguan na ang kanang tenga ng Pinoy fighter.
Pagdatng sa round 11 ay nirapido ni Martinez ng right hand si Bornea na nagtulak kay Fitch para tuluyan ang ihinto ang laban.
Samantala, pinaluhod ng 31-anyos na si Ancajas (34-3-2, 23 KOs) si Wilner Soto (22-13-0, 12 KOs) ng Colombia sa fifth round sa kanilang eight-round, non-title super bantamweight fight.
Dalawang matigas na body shots ang pinadapo ni Ancajas sa bodega ng Colombian na nagpaluhod dito at hindi na nakatayo.
- Latest