Arellano kampeon sa NCAA Cheerleading
MANILA, Philippines — Inilatag ng Arellano University (AU) ang solidong performance nito upang hablutin ang ikaapat na sunod na korona sa National Collegiate Athletic Association (NCAA) Season 98 Cheerleading Competition kahapon sa Rizal Memorial Coliseum.
Nakalikom ang Chief Squad ng 245.5 puntos para masiguro ang unang puwesto — ang ikalimang kampeonato ng kanilang tropa sa kabuuan.
Tinalo ng Arellano ang University of Perpetual Help System Dalta na nagrehistro ng 227.5 puntos para magkasya sa ikalawang puwesto habang pumangatlo naman ang Colegio de San Juan de Letran na nakakuha naman ng 215.5 puntos.
Naibulsa ng Arellano Chief Squad ang P100,000 premyo habang napasakamay ng Perpetual Help Altas Perp Squad ang P75,000 runner-up purse.
Nagkasya naman ang Letran Cheering Squad sa P50,000 konsolasyon.
- Latest