^

PSN Palaro

‘Di na natuto

PRESS ROW - Abac Cordero - Pilipino Star Ngayon

Fifteen-day suspension with NO PAY ang hatol ng Magnolia kay Jio Jalalon dahil naglaro ito sa ligang labas or unsanctioned PBA game last week sa Cebu.

At dahil sumasahod siya ng P420,000 a month sa Magnolia, P210,000 ang nawala sa kanya.

Kung ako ang paswelduhin mo ng P420,000 a month, kahit sabihan ako na bawal lumabas ng bahay, papayag ako.

Manonood na lang ako ng NETFLIX.

Ginawa na ito ni Jalalon noong 2020 sa isang ligang labas sa Calamba, Laguna. Na-suspend din siya at nangako pati sa PBA na dehins na siya uulit.

Pero eto na naman.

Baka may kasunod pa siyang fine mula kay PBA commissioner Willie Marcial.

Nahatulan na rin ng 21-day suspension si Beau Belga ng Rain or Shine. Kasama siya ni Jalalon, JR Quiñahan at Robert Bolick naglaro sa Cebu. Nakipag-away pa si Belga at Quiñahan.

Nakapila din sila Ray Nambatac ng Rain or Shine, at Alec Stockton at Barkley Ebona ng Converge dahil naglaro rin sa ligang labas.

Bukod sa Cebu, na-invite din lately ang mga PBA players sa Davao at Laguna. Of course, malaki ang bayad sa kanila.

Tingnan natin kung madala na ang PBA players. Unang-una, mas malaki ang mawawala sa kanila.

Lalu na kay Jalalon. Isa pa, strike out na siya.

Ayaw ni Boss RSA ng pasaway.

vuukle comment

JIO JALALON

NO PAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with