Suarez malaki ang tsansa na maagaw ang WBO belt ni Navarrete — Arum

MANILA, Philippines — Malaki ang tsansa ni Olympian at decorated amateur Charly Suarez na maagaw ang suot na WBO super featherweight crown ni Emmanuel Navarrete.
Ito ang pahayag ni veteran promoter Bob Arum ng Top Rank Inc. ilang araw bago hamunin ni Suarez ang Mexican sa Linggo sa Pechanga Arena sa San Diego, California.
Ang pagkakaroon ng disiplina ang magiging susi ni Suarez para maagaw ang titulong suot ni Navarrete.
Ayon sa 93-anyos na si Arum, ang Mexican champion ay isang volume puncher na maaaring samantalahin ng Pinoy challenger.
“Navarrete has no style at all, no defense at all. He tends to be careless and throws crazy punches, which leaves him exposed,” obserbasyon ni Arum kay Navarrete.
Magagamit ng 36-anyos na si Suarez ang kanyang amateur experience para talunin ang 30-anyos na si Navarrete.
“Suarez is a very disciplined fighter with tremendous amateur experience. He brings discipline to the ring and could give Navarrete problems,” ani Arum sa dating Rio Olympian at miyembro ng Philippine Army.
Aakyat si Suarez (18-0-0, 10 knockouts) sa boxing ring bilang isang heavy underdog laban kay Navarrete (39-2-1, 32 KOs) na palaging tumatarget ng knockout sa kanyang mga laban.
Sinabi pa ng Top Rank boss na ang pagiging “no style” na si Navarrete ay sakto sa istilo ni Suarez.
“I don’t think there will be a need for lots of calculation on Suarez’s part. Charley has to be careful of Navarrete’s power. He needs to outbox and win a decision,” ani Arum.
- Latest