^

PSN Palaro

Filipinas dinomina ang Tajikistan sa Olympic qualifiers

Rusell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy ang pananalasa ng Philippine national women’s football team matapos ang 8-0 demolisyon sa host Tajikistan, 8-0, sa 2024 AFC Women’s Olympic Qualifying Tournament sa Hisor Central Stadium.

Nagsalpak si Chandler McDaniel ng dalawang goals sa second half para banderahan ang pagtatayo ng Filipinas ng 2-0 baraha sa Group E matapos ang 4-0 paggiba sa Pakistan noong Miyerkules.

Ititiklop ng mga Pinay booters ang group stage sa pagharap sa Hong Kong bukas kung saan ang mananalo ang aabante sa second round ng qualifier para sa 2024 Olympics sa Paris, France.

Magkatabla ang Filipinas at Hong Kong sa liderato sa grupo, ngunit angat ang mga Pinay dahil sa kanilang superior goal differential.

Ang dalawang goals ni McDaniel, nagmula sa isang ACL injury noong 2022 AFC Women’s Asian Cup, ay itinala niya sa 60th at 89th minutes.

Ang unang goal ng Filipinas ay nagmula kay Sofia Harrison sa 27th minute ng first half kasunod ang mga iskor nina skipper Tahnai Annis makaraan ang dalawang minuto.

Sinundan ito ng mga iskor nina Carleigh Frilles (31st minute), Quinley Quezada (35th minute) at Meryll Serano (38th minute) at Maya Alcantara (45th minute) para isara ang first half bitbit ang 6-0 abante sa Tajikistan.

vuukle comment

AFC WOMEN’S OLYMPIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with