^

PSN Palaro

TNT kokontak sa semis

RCadayona - Pilipino Star Ngayon
TNT kokontak sa semis
Jojo Lastimosa
PBA media bureau

MANILA, Philippines — Wala sa isip ng No.1 TNT Tropang Giga na maglaro sa isang ‘do-or-die’ sa pagsagupa sa No.8 Phoenix sa quarterfinals ng 2023 PBA Governors’ Cup.

“That’s the grand plan,” ani interim coach Jojo Lastimosa sa pagharap ng Tropang Giga sa Fuel Masters ngayong alas-3 ng hapon sa Smart Araneta Coliseum. “But for me, personally, we have to be also prepared for anything. Kumbaga, hope for the best, prepare for the worst.”

Hawak ng TNT ang ‘twice-to-beat’ incentive laban sa Phoenix kagaya ng bitbit ng No. 4 Meralco kontra sa No. 5 Magnolia sa pang alas-5:45 ng hapon nilang duwelo.

Hindi na ito nagamit ng No. 2 San Miguel at No. 3 Barangay Ginebra sa pagpapatalsik sa No. 7 Converge at No. 6 NLEX, ayon sa pagkakasunod, para itakda ang kanilang best-of-five semifinals series.

Kahit No. 8 seed ang Fuel Masters ay hindi magkukumpiyansa ang Tropang Giga.

“We need to approach this like any other game, malakas man sila o mahina,” sabi ni Lastimosa. “The only difference is, this is the quarterfinals.”

Muling aasahan ng TNT sina import Rondae Hollis-Jefferson, Jayson Castro, Mikey Williams, Roger Pogoy at Calvin Oftana katapat sina reinforcement Du’vaughn Maxwell, Tyler Tio, Jason Perkins, Encho Serrano at RJ Jazul ng Phoenix.

Tinalo ng Tropang Giga ang Fuel Masters, 123-119, noong Enero 25 kung saan si Jalen Hudson pa ang kanilang import.

Ang pagpapatalsik din sa Hotshots ang hangad ng Bolts na nakamit ang No. 4 berth matapos matalo ang Road Warriors sa Beermen, 106-120, noong Marso 15.

Dalawang sunod na panalo ang itinala ng Meralco habang nasa three-game winning streak ang Magnolia.

BASKETBALL

JOJO LASTIMOSA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with