^

PSN Palaro

Holiday itinakas ang Bucks sa OT

Pilipino Star Ngayon
Holiday itinakas ang Bucks sa OT
Umilalim si Bucks guard Jrue Holiday kay Brake Griffin ng Celtics para sa kanyang layup.
STAR/ File

MILWAUKEE — Dinuplika ni Jrue Holiday ang kanyang career high na 40 points at isinalpak ang go-ahead triple sa huling 25.2 segundo sa overtime sa 131-125 panalo ng Bucks sa Boston Celtics.

Napili si Holiday sa u­nang pagkakataon para sa All-Star Game sa Salt Lake City sapul nang maglaro para sa Philadelphia 76ers noong 2013.

Humakot si Giannis Antetokounmpo ng 36 points, 13 rebounds at 9 assists para sa Milwaukee (40-17) na nasa ilalim ng Boston (41-17) sa Eastern Confe­rence standings.

Sinamantala ng Bucks ang hindi paglalaro sa Cel­tics nina All-Stars Jayson Tatum (non-COVID illness) at Jaylen Brown (facial fracture) at nina Marcus Smart (sprained right ankle) at Al Horford (right knee swelling).

Ipinasok ni Sam Hauser ang game-tying triple sa huling tatlong segundo sa regulation para ihatid ang Boston sa overtime kung saan iniskor ni Derrick White ang unang limang puntos sa overtime.

Sa Los Angeles, naglista si Kawhi Leonard ng 33 points sa 134-125 paglunod ng Clippers (32-28) sa nagdedepensang Golden State Warriors (29-29).

Sa Phoenix, humataw si Devin Booker ng 32 points at humakot si Deandre Ayton ng 29 points at 11 rebounds sa 120-109 panalo ng Suns (32-27) sa Sacramento Kings (32-25) na pinanood ni Kevin Durant mula sa bench.

JRUE HOLIDAY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with