Jarencio balik-Uste
MANILA, Philippines — Pumirma ng tatlong taong kontrata si veteran mentor Pido Jarencio bilang bagong head coach ng University of Santo Tomas sa UAAP men’s basketball tournament.
Pormal nang inihayag ng pamunuan ng UST ang pagbabalik ni Jarencio sa kampo ng Growling Tigers.
“The job bestowed upon me is difficult, that’s why it’s important for us to build a strong foundation with the players. They must bring that pride in representing UST,” ani Jarencio.
Mainit itong iprinesinta nina Rector Fr. Richard G. Ang, OP at Institute of Physical Education and Athletics director Fr. Rodel S. Cansancio, OP kahapon.
Alam ni Jarencio na maraming dapat ayusin sa Growling Tigers upang mas maging malakas ang tsansa nito sa mga darating na season ng UAAP.
“We have a lot of things to fix but the important thing is that the players are trusting the system that we laid for them,” ani Jarencio.
May championship experience na si Jarencio sa UST.
Dinala nito ang Growling Tigers sa kampeonato noong 2006.
Ngunit iba na ang tropa sa ngayon.
Masaklap ang naging kampanya ng UST sa nakalipas na season ng UAAP kung saan nagtala ito ng 1-13 baraha.
Kaya naman solidong programa ang ilalatag ni Jarencio para muling mapaangat ang UST.
Makakasama ni Jarencio sina team managers Waiyip Chong at Eric Ang, at assistant coaches Japs Cuan, Juben Ledesma, Lester del Rosario, Jeric Fortuna at Jaren Jarencio.
- Latest