^

PSN Palaro

Baltazar ‘di makakalaro sa KBL

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Baltazar �di makakalaro sa KBL
Justine Baltazar
B. League

MANILA, Philippines — Pinatawan si Justine Baltazar ng dalawang taon na ban ng Korean Basketball League (KBL) matapos mabigong makakuha ng mga kinakailangang dokumento para sa paglalaro niya sa naturang liga.

Maglalaro sana si Bal­ta­­zar para sa KBL team na Samsung Seoul Thunder.

Matapos maplantsa ang negosasyo ay agad binigyan si Baltazar ng mga kailangan nitong ga­win para makapunta sa South Korea.

Kabilang na rito ang pag-aayos ng visa na inis­­yal na kailangan para ma­kapasok sa Korea.

Subalit base sa imbes­tigasyon ng KBL disciplina­ry committee ay walang isi­numiteng dokumento ang kampo ni Baltazar sa Korean Embassy.

Dahil dito ay nagpasya ang pamunuan ng KBL na patawan siya ng two-year ban.

Hindi makalalaro si Bal­ta­zar sa anumang KBL team sa taong 2023 at 2024.

Posibleng isa sa mga da­hilan ng pagkakaantala ng pag-aasikaso sa visa ni Baltazar ang paglalaro nito para sa Strong Group sa 32nd Dubai International Basketball Championship sa Dubai, United Arab Emi­rates.

Doble dagok ito para kay Baltazar na naglaro pa­ra sa Hiroshima sa Japan B.League.

Ngunit ini-release agad si Baltazar ng Japanese team noong Disyembre.

Wala pang statement ang kampo ni Baltazar sa desisyon ng KBL.

Hindi pa rin malinaw kung saan na maglalaro si Baltazar habang wala pa itong bagong team na la­­laruan sa abroad.

vuukle comment

JUSTINE BALTAZAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with