Ramirez suportado si Eala sa PSC
MANILA, Philippines — Hiningi kahapon ni dating Philippine Sports Commission (PSC) chief William ‘Butch’ Ramirez ang suporta ng lahat para sa matagumpay na pamumuno ng bagong chairman na si Noli Eala.
Ginawa ito ng 72-anyos na si Ramirez sa unang flag ceremony ni Eala bilang ika-11 PSC head.
“Chairman Noli Eala needs our help, our support. For, if he succeeds, Philippine Sports Commission will succeed, and Philippine sports will succeed,” wika ni Ramirez.
Sa liderato ni Ramirez ay inangkin ng Pilipinas ang overall championship ng 2019 Southeast Asian Games at ang pagbuhat ni weightlifter Hidilyn Diaz sa kauna-unahang Olympic gold medal.
Kaya naman hindi nakalimutan ni Eala na pasalamatan ang dating Athletic Director ng Ateneo de Davao University.
“He just told me that he was there to help us. And what he has done for this commission will forever be remembered. Maraming Salamat po Chairman Butch,” sabi ng dating PBA Commissioner.
Pormal na ipinasa ni Ramirez kay Eala ang simbolikong PSC flag para sa bagong administrasyon ng komisyon.
Nakasama nina Eala at Ramirez sa seremonya si Commissioner Bong Coo, mga miyembro ng Management Committee, mga PSC heads, mga employees at staff.
“To PSC Chairman Noli Eala, we welcome you on behalf of the PSC workforce, we’re here to support all your endeavors,” ni Coo.
- Latest