^

PSN Palaro

Lacsina nasungkit ng Cargo Movers

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Lacsina nasungkit ng Cargo Movers
Tuluyan ng iiwan ni Ivy Lacsina ang Nationa University matapos pumirma sa F2.
UAAP photo

MANILA, Philippines — Hinugot ng F2 Logistics si middle blocker Ivy Lacsina upang lalong mapalakas ang lineup nito para sa susunod na kumperensiya ng Premier Volleyball League (PVL).

Pormal nang inihayag ng Cargo Movers ang pagpasok ng National University standout sa kanilang social media accounts.

“Unloading @16ivylacsina. Let’s all give a warm welcome to a new member of the F2 Family. Welcome home Ivy,” ayon sa post ng Cargo Movers.

Tuluyan nang lilisanin ni Lacsina ang amateur league dahil sa pagpasok nito sa Cargo Movers, hindi na ito maaari pang makapaglaro sa kanyang final playing eligibility sa UAAP.

Gayunpaman, lilisanin ni Lacsina ang kampo ng Lady Bulldogs bitbit ang kampeonato.

Bahagi si Lacsina ng NU squad na nagkampeon sa UAAP Season 84 wo­men’s volleyball tournament.

Matamis na nakumpleto ng Lady Bulldogs ang season sweep kabilang ang 2-0 panalo sa De La Salle University sa best-of-three championship series upang maibalik sa NU ang korona ng liga matapos ang ilang dekadang pagkauhaw sa titulo.

Malaking tulong si Lac­sina sa Cargo Movers dahil makakasama nito sa middle position si team captain Aby Maraño.

Inaasahang mas lalo pang lalakas si Lacsina sa i­lalim ng paggabay ni coach Ramil De Jesus.

Nawala sa Cargo Mo­vers si middle blocker Aduke Ogunsanya na nagpasyang lumipat sa Choco Mucho Flying Titans.

vuukle comment

IVY LACSINA

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with