^

PSN Palaro

China, Vietnam pasok sa semis

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
China, Vietnam pasok sa semis
Volleyball stock.
Unsplash

MANILA, Philippines — Nagtala ng magka­ibang panalo ang defen­ding champion China at Vietnam upang makapasok sa semifinals ng 2022 AVC Cup for Women kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Sapat na lakas lamang ang inilabas ng China upang mabilis na dispatsahin ang Australia sa bendisyon ng 25-13, 25-8, 25-8 demolisyon.

Nagtala si Wu Mengjie ng 17 puntos kabilang ang apat na aces habang kumana naman si Zhou Yetong ng 14 hits para banderahan ang kamada ng China.

Nagdagdag pa si Zhuang Yushan ng 13 pun­tos habang umiskor si Wang Wenhan ng siyam na puntos tampok ang dalawang blocks.

Haharapin ng China sa semis ang mananalo sa pagitan ng Thailand at Pilipinas.

“Everyone wants to win, that’s for sure. We are expecting us to play well every game. It’s not only just about victory. It’s more about playing well on the court and show everyone’s techniques that we learned everyday,” ani Chinese coach Kuang Qi sa pamamagitan ng interpreter.

Samantala, kinailangan ng Vietnam na magbanat ng buto bago itakas ang pahirapang 19-25, 25-17, 16-25, 25-18, 15-10 panalo laban sa Chinese Taipei.

Sasagupain ng Vietnam ang mananalo sa pagitan ng Japan at Iran.

“We will try to play together. We will prepare,” ani Tran.

vuukle comment

PHILSPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with