^

PSN Palaro

Pinay Spikers yuko sa Vietnam

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Pinay Spikers yuko sa Vietnam
Hinatawan ni Tran Thi Bich Thuy ng Vietnam si Gema Galanza ng Creamline. (Kuha ni Russell Palma)
STAR/ File

MANILA, Philippines — Bigo ang Creamline Cool Smashers sa unang pagsalang nito matapos lumasap ng 19-25, 17-25, 29-31 desisyon laban sa SEA Games silver medalist Vietnam sa pagsisimula ng 2022 AVC Cup for Women kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Ramdan na ramdam ang pagkawala nina team captain Alyssa Valdez at top setter Jia Morado gayundin ni head coach Sher­win Meneses.

Lumaban ng husto ang Cool Smashers partikular na sa huling sandali ng third set subalit kapos pa rin ito para mahulog ang kanilang tropa sa 0-1 marka.

Umangat naman ang Vietnam sa 1-0 kartada.

May tsansa ang Pinay Spikers na makapagpa­hinga dahil wala itong laro sa araw na ito.

Masisilayan sa aksyon ang Pilipinas bukas laban sa China sa alas-7 ng gabi kung saan inaasahang pupukpok ng husto ang mga Pinay Spikers upang mabigyan ng magandang laban ang Chinese squad.

Samantala, matikas na sinimulan ng reigning champion China at powerhouse Japan ang kampan­ya nito matapos ilampaso ang kani-kanyang karibal.

Walang sinayang na sandali ang Chinese squad nang ilatag nito ang matata­lim na atake at solidong net defense para mabilis na pataubin ang South Korea sa pamamagitan ng 25-9, 25-8, 25-9 paggiba.

Nasa tuktok ng Pool A ang China tangan ang 1-0 rekord habang bagsak sa 0-1 ang South Korea.

Sa kabilang banda, winalis ng Japan ang Southeast Asian Games champion Thailand sa bendisyon ng 25-18, 25-19, 25-22 desisyon para makuha ang liderato sa Pool B.

Umangat ang Japan sa 1-0 marka samantalang lumasap naman ng unang kabiguan ang Thailand.

vuukle comment

PHILSPORTS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with